>HOME<

          report card

          katokayo ni Erap
          erap's lolo
          jackpot!
          merchandise

Sa aming pag-iikot napagalaman namin na may mga taong pinagpala na maging katokayo ni Erap. Na-interview namin ang isang binata na taga Baranggay Kuliglig, Tondo, Manila.

*the subject has requested that his face be concealed in order to protect his personal privacy. As it is, he is already being mobbed in Bgy. Kuliglig.

 

Name: Joseph Gonzalez Estrada

Age: 28

Residence: Tondo, Manila

Occupation: Baranggay Tanod

 

Ang interview  

Bakit ka pinangalanang Joseph Estrada ng iyong mga magulang?

Crush na crush ni nanay etong si Erap nung di pa ito sikat. Si Erap kasi ay naging kapitbahay ng kapatid ng hipag ng lola ko. Nalaman eto ni nanay at dali-dalian niyang pinuntahan si Erap upang makilala! ..may girlfriend na si Erap nun kaya di niya pinansin si nanay...bigo ang nanay ko pero di siya nagpatalo..naghanap siya ng isang Estrada at ayun, natagpuan niya si ERIC ESTRADA--ANG TATAY KO, at pinanangalanan niya akong Joseph Estrada.

Habang lumalaki ka, paano naka-apekto sa'yo ang pangalang JOSEPH ESTRADA?

(laughs) Naaalala ko nung nag-aaral pa ako sa Kuliglig Elementary School, madalas ako pag-tawanan ng mga kaklase ko tuwing roll-call. Galit sila sa akin dahil idol raw nila si FPJ.....(pauses, reaches for tissue)...masakit sa akin yun pero di ko pinakita sa kanila na apektado ako--tulad ni Erap di ako nagpapatalo.

 

Ano ang buhay mo ngayon?

Ako'y naninilbihang Bgy. Tanod dito sa amin. Pangalawang term ko na ito. Ako ang pinakabatang tao na naging Bgy. Tanod dito sa Pilipinas.

Balita namin kilabot ka raw ng mga kababaihan dito sa Kuliglig..

Hindi naman ho. (blushes) Lumalapit lang siguro sila sa akin dahil mabait akong tao, wala akong niloloko. Lalo na ang mga kababaihan, di dapat lokohin..dapat natin silang galangin..(smiles)

 

May balak ka rin bang maging Presidente ng Pilipinas?

Naku, di natin alam ang pwedeng mang-yari. Abangan niyo nalang. Ang alam ko lang ay maraming sumusuporta sa akin.

*END

 

 
 
 

Ikaw, katokayo mo ba si Erap? Gusto mo bang ma-interview?

Kung OO, sulatan kami at magpadala ng:

  • 1x1 picture
  • group picture (kasama ang pamilya o kaibigan)
  • essay na sumasagot sa katanungan: "Paano naapektohan ang buhay ko ng aking pangalan?"

Ano pa ang inyong hinihintay? Baka kayo na ang susunod na "katokayo ni Erap"

 
 

       | report card | katokayo ni Erap | erap's lolo | jackpot! | merchandise |

 

copyright © Y2K ajd@writeme.com

sulatan ang guestbook
basahin ang guestbook