Mga
minamahal kong kababayan,
Lubos
kong ikinagagalak ang paglulunsad ng isang proyektong naniniwala sa aking
kakayahan na mamuno bilang inyong pangulo. Ang LabskosiERAP! website ay
nagpapatunay na patuloy akong sinusuportahan ng mga taong nagluklok sa
akin sa kabila ng napakaraming kritisismo, tsismis, at mga nag-mamarunong
na adviser.
Nasa
bagong milenyo na tayo at ang internet ang pangunahing kasangkapan sa
pagpapalaganap ng impormasyon. Nararapat lamang na magamit ito upang masuportahan
ng taong bayan ang aking mga programa. Dahil sa internet, maari ko ng
maipahayag ang aking panig di tulad sa ibang pahayagan. Isa pa, hindi
ko na kailangang mag-memorize ng napakahabang mail-address. Basta't www.LabskosiERAP!.com
na lamang ang isusulat ko sa envelope, ayos na!
Para
sa LabskosiERAP! website: More power to you!

Joseph Ejercito
Estrada
Office
of the President
erap@chickmail.com
|