>HOME<

          report card

          katokayo ni Erap
          erap's lolo
          jackpot!
          merchandise
Matagal na akong nagbebenta ng fishball sa tapat ng Vinzon's Hall sa U.P. Diliman. Sa totoo lang, marami sa mga UP students ang bumoto kay Erap. Ayaw lang nilang ipahalata, kesyo masisira daw ang maki-baka image nila. Ayaw naman kasi nilang magpabuko na showbiz talaga sila. Sa katunayan, marami sa mga nagdo-dorm ang umuuwi tuwing hapon para manoon ng FLAMES.
   
Kaya nga nuong nakaraang eleksyon, namuno ako sa pag-organisa sa mga kabataang sumusuporta kay Erap. Bawat estudyanteng bumibili ng fishball o yosi sa akin, eh kinakampanyahan ko. Isa ako sa mga nagsimula ng LabskosiERAP! Movement, UP Chapter.
 
Hindi nga nagtagal at nanalo si Idol. Nabalitaan nya ang ginawa ko sa Peyups at pinatawag niya ako sa Malacanang. Siyempre hindi ko kinalumutang dalhan siya ng famous fishballs ko. Sabi ko sa kanya na sa buong Maynila, fishball ko lang ang guarantisadong malinis at hepa-free. Dahil dito niluklok ako ni Erap bilang Health and Sanitation Director ng Bureau of Food and Drugs.
   

Ang mga naka-jackpot!:

 
 

       | report card | katokayo ni Erap | erap's lolo | jackpot! | merchandise |

 

copyright © Y2K ajd@writeme.com

sulatan ang guestbook
basahin ang guestbook